Friday, February 13, 2009

Karibal

May mga gustong umagaw ng aking kaharian. May gustong mang-agaw ng aking trono at hindi ko mahagilap ang aking mga frog soldiers. Nasaan kaya sila?

Ako naman talaga ang orginal na palaka dito sa office namin. Ako lang naman talaga ang Prinsesang palaka dito. Eh bakit ngayon ang dami ko ng kaanak?

Meron nang "frog prince" at meron ng reincarnation ni Keropi...ha? Saan sila galing? Nandito ba sila para agawin ang aking kaharian?

Hindi ko alam, ang dami palang nangangarap na maging palaka sa mundo. Isinumpa din kaya silang maging tao?

Bakit bigla na lang silang sumulpot na parang mushrooms? Dumarami ang aking lahi ng hindi ko namamalayan?

Nalalapit na kaya ang labanan ng mga palaka?
ano kaya ang susunod na mangyayari?
abangan ang susunod na kabanata!

2 blabblers:

Anonymous said...

Dont Panic okey...

ganito yan..
madaming uri ng palaka...
kaya oks lang
the more the merrier..
at matira ang kung sinung palaka ang matibay...
hehehe
peace

***************

minsan ko ding itinuring ang aking sarili bilang isang palaka... yun eh nuong magmahal ako ng Prinsesa.. daanan mo yun sa blog ko..hehehe
kitakits

just.aian said...

sige, sige sige...
pero basta ako pa rin ang pinaka magandang palaka sa balat ng Frogland!

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates