Thursday, February 19, 2009

What's with the name?

At dahil umaga na at wala nang magawa ang Prinsesang Palaka (at natulog pa ang official video editor namin na si Cathy) makikisali ako dito sa name-name post na itich...

In a way, importante din sa akin ito dahil lagi na lang mali ang spelling ng name ko. People can't seem to get my name right and I always wonder why. Hindi naman ganun ka hirap maalala or ispell man lang ang pangalan ko.

Kaya, in sa ngalan ng pakikisama (naks) heto at makikisali na ako....

ito po ang rules:
  1. List the names that you are called by and name the people who call you by these names.
  2. Tag ten others to do the same thing, paste the link of your entry on their guestbooks.

1. Arianne- My real name. Siyempre, ito tawag sa akin ng mga taong hindi ko close at bago ko pa lang nakilala. Lagi na lamang mali ang spelling nito kaya naman inuna ko nang ilagay dito. (Siguro naman maiintindihan mo na kung bakit ganyan ang description ng blog ko)

2. Dackie- Kuya ko ang tanging tumatawag sa akin ng ganito. Medyo nakakahiya ang reason kung bakit kaya hindi ko na ishi-share...mahirap na baka sumikat ako...

3. Yanz- marami ang tumatwag sa akin ng ganito but usually mga classmates and kasama ko sa publication. Nagsimula yan noong una akong pumasok sa publication, Yan2x talaga ang nickname ko but I used to write it as Yan2..."z" ang basa nila always sa "2" kaya naging Yanz.

4. Yanzie- Yung classmate ko dati sa Science High na si Joshua ang tumatawag sa akin ng ganito.

5. Yanskie- mga kasama ko sa TnC ang tumatawag sa akin ng Yanskie. Ito din kasi ang tawag sa akin ng mga classmates ko nung high school (which shows na wala talaga silang imagination) at username ko sa forum.

6. Nyah- uhm, my alter ego. Siya yung make-believe self ko nung HS. May gawa gawa kasi kaming sarili naming mythology noong HS kami and ito yung name ko. Only two other people calls me this, Mavi Anne and Maria (cheatmates seatmates ko nung HS). Nyah is actualy Yan spelled the other way, dinagdagan lang ng "h".

7. Yanie- Si David, yung classmate and friend ko ang tumatwag sa akin ng Yanie. Don't know why. Sometimes he calls me Yanz also.

8. Baki- visayan term for frog. Yung dati kong classmate na si Ruthergen ang tumatwag sa akin ng ganito. Though yung other classmates ko also calls me this.

9. Imang- as in imang!...Carla, Ritch, Gretchen and Marge calls me Imang. Ewan, di ko na maalala why basta alam ko sila lang tumatawag sa akin ng Imang.

10. Aning- Si Ritch, yung roommate ko na author ng Damsel in Distress, eh hindi naman talaga distress. Siya yung tumatwag sa akin ng ganito.

11. Froglet- Ang Alipin ng kahirapan ang mahilig tumawag sa akin ng Froglet. Though yun naman talaga ang mas prefer ko na nickname, nobody calls me Froglet aside from him.

12. Baby- really hate this one but wala akong magawa. My parents calls me this. Ugck..Sorry na ha, hindi ko lang kasi feel na tawagin akong baby eh ang laki-laki ko na...

13. Prinsesa- my brother, the one and the only calls me Prinsesa when he's really pissed off with me.
14. Aian--- Ito yung nick ko sa sarili ko. Have to adopt this one kasi people oftentimes doesn't know how to spell my name and besides ito yata yung shortcut ng name ko. I mean, people often use "Aian" to address me when they text me (1.e, Sir DX and Pareng Bryan)

15. (last but not the least) Armyangel- why? dahil basta...only those really really close to me can call me this...bago pa mana ko naging froglet, naging prinsesa at naging kung anu-ano pa ito na ako at ganito pa rin ako hanggang ngayon...an angel, an angel in army fatigue...hehehe

yun lang po...bow...

At dahil masunurin ako ipinapasa ko ang tag na ito sa mga taong wala ding magawa sa mundo, namely:

1. Marvin- dahil feel ko lang
2. Caroline- para may silbi naman ang blog
3. Cyndirella- dahil gusto ko...hehehe
4. Marah- baguhan sa bloglist ko kaya feel kong makilala
5. Ate Grace- hindi siya kasama sa list dapat dahil busy siya but curious lang ako...hehehe...just get this tag if you have time te...

...ang haba namang pala...

uhm...binabawi ko na ang sinasabi ko...
hindi pala ako masunurin...
kaya ito na lang...
hehehe

1 blabblers:

cyndirellaz said...

haha! i like this tag ah! o ciya ciya. wala namang deadline di ba? ^_^ nga pala dami mo namang pangalan! ^^

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates