Wednesday, March 25, 2009

Frog Princess meets Fishty

Isang Pambihirang Pagkakataon. Ang Prinsesang Palaka at ang Isdang Hindi Maranong Lumangoy kaya Nalunod (a.k.a Fishty).

Ang Kwento ni Fishty
(a.k.a The Mystery of the Fish who couldn't Swim)

Si Fishty ay ay galing sa Kaharian ng mga fishes and fishlets at siya ay napadpad sa dalampasigan ng Zamboanguita, Negros Oriental. Walang nakaka-alam kung alin sa napakaraming kaharian sa ilalim ng dagat ang talagang pinanggalingan niya.

Isang matapang na ishda na nakipagsapalaran sa malawak at maalon na karagatan. Isa siyang isda na may magandang future sana sa grill kung hindi lang nalunod dahil hindi marunong lumangoy.

Sa totoo lang, hindi pa rin naman talaga matanto ng mga kinauukulan kung bakit natagpuan na lamang ang ishdang ito, na kinilala sa pangalang Fishty, sa dalampasigan. Ayon sa witness,na itago natin sa pangalang Prinsesang Palaka, si Fishty ay natagpuan na lamang sa na natatakpan ng mga seaweeds at tinutulak-tulak ng mga alon. Malamang ay dahil na rin sa sobrang baho nitong si Fishty kaya kahit mga alon ay hindi na nakatiis sa kanya at tinutulak na siya palayo.

Sa pagsusuri ng pakialamerang Prinsesa ay napag-isip isip niya na malamang ay hindi marunong lumangoy ay mabahong ishdang ito kaya nalunod at namatay. O malamang ay inatake sa puso habang lumalangoy-langoy dahil na rin sa dami ng taba na nakita sa katawan nito ng i-autopsy ito.

At dahil wala namang nagclaim sa mabahong ishda, na masarap sanang ihawin kung hindi lang nakakasuka ang amoy, ito ay inilibing na lamang.

Libingan ni Fishty na hinukay mismo ng Prinsesang Palaka matapos siyang i-dissect nito. Ayon sa Prinsesa wala sana siyang planong ilibing si Fishty dahil biodegradable naman ito ngunit due to insistent public demand (translation: mabaho talaga siya) inilibing na lamang niya ito. Kaya, Rest in Pish Fishty.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa rin kung bakit namatay si Fishty at bakit napadpad na lamang itong walang buhay sa Zamboanguita (pwede naman siyang pumunta sa nearby Apo island para mas sosyal).

====================================================
Ang mga pangyayaring isinalaysay dito ay totoo (medyo, parang ganun na nga) at walang halong biro (promise!).

Note: BORED ang author.Pasensiya.



check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates