Monday, March 2, 2009

pobreng froglet

this is official, wala na akong pera. As in wala. Walang wala.
Poor froglet, namumulubi na naman ang kaharian, epekto ng global economic crisis.
Pulubi na naman ako at sana naman ay umulan ng grasya at may magbigay sa akin ng pera...salamat in advance!

Naghahanap ako ng summer job. Malapit na akong mag-graduate kaya kailangan may mailagay naman akong work experience sa resume ko...besides, mabuti na rin yun kaysa naman tulog kain lang ako sa bahay buong summer. At least sa next school year marami akong pera...o, di bongga!

Gusto ko talaga magwork kasi marami akong gustong gawin sa buhay ko and I want to earn my own money. I want to buy the things that I need with my own money...I want to be the one to provide for myself.

Nakakapagod na rin ang humingi at humingi ng pera. Feeling ko parang pabigat ako. Hingi lang ako ng hingi, e ang laki-laki ko na. Twenty years old na kaya ako tapos uma-asa pa rin ako sa parents ko...my God!

Kaya nga kahit ngayong summer lang makapag-work naman ako para naman magkaroon ako ng silbi sa mundo. Hindi yung para lang akong ipinanganak para humingi ng humingi.



0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates