Totoo po iyon, and that is very literal.
Dahil sa almost 4pm na kami naka-alis ng Dumaguete, for reasons beyond our control, late na rin kami nakapagstart mag-prepare. We started the cooking right away pagdating namin. Diretso na agad sa preparations because wala nang time and it was almost evening already.
While others are busy decorating and cooking, the rest are also practicing for their presentations. Natapos ang decorations and cooking around 9pm already and so the girls started fixing themselves na. With the Royalty Theme, siyempre todo prepare ang lahat...siyempre alangan namang magmukha kang muchacha e, ang ganda ng gown mo di ba?
Okay lang for the boys because madali lang silang natapos sa pagbibihis, unfortunately for them, sobrang tagal natapos yung girls sa make-up and everything. God, nagstart and dinner past 10pm already and we finished past 11pm. So the actual program started at 12 midnight.
O, di ba? Napagkamalan tuloy kaming mga adik. Tulog the whole day and buhay na buhay sa gabi.
At siyempre dahil midnight na nagstart, inumaga na kami. Para kaming mga baliw na nagpapa-picture sa tabi ng dagat habang naka-gown and everything....
The picture above was taken sa tabi ng dagat. I wanted to have my picture taken with my "brothers", alam mo na, for "family" picture sana...but andaming nakikisali kaya ganyan....
Hindi ko alam kung saan nakuha 'tong suot kong gown but I think its beautiful. Mabigat nga lang siya ang sobrang hirap maglakad with it...
Konsensya? Hindi, kagagawan ni Justine yan...nagloloko kasi ang camera and nagbublurr if you keep on moving and I don't know bakit nagka-ganyan...but its an unintentional photography...hahahaha
3 blabblers:
aheks...ang cute naman ng prinsesa...aheks...galing ng picture kahit mukhang error lang..pero ayuz pa din... :D
Thanks Super G...
buti nga hindi yan nagblur na parang sukob eh...hehehe
hahaha!! i really like yung pic na dalawa ang face!! haha!! its really nice.
Post a Comment