Sunday, May 31, 2009

langgam atbp

nasubukan mo na bang makipaghalikan sa langgam?
Syet! Ang aga-aga nakagat na ng istupidong ant ang lips ko!Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng kagatin?
=========================================
nag-iisip ako at nasabi ko sa sarili ko na imbis sana na mag-away ang mga tao sa mundong ito ay dapat subukan na lamang natin na magtulungan dahil mas may mapapala pa tayo dito kaysa naman magbarilan tayo. Am I right or am I right?

Pero syempre naisip ko din na hindi nga naman talaga natin mai-expect na magco-cooperate ang mga tao sa isa't isa dahil I think instinct na natin ang mag-away at makipag-compete sa isa't isa. Pero pwede din naman siguro nating subukan di ba? Pwede naman siguro nating subukan na magtulungan at maki-isa kung ang talagang goal natin ay mapa-ayos ang ating mga buhay. Bakit hindi natin subukang iwasan na maglamangan? Iwasan ang lokohin ang mga kapwa natin at sa halip tumulong tayo na mapabuti ang buhay ng isa't-isa?

Pwede kaya yun?
=========================================
Naalala ko yung sinabi ni Ian Malcolm (yung mathematician sa Jurassic Park) na hindi natin kayang sirain ang mundo. Naisip kong tama siya. Kahit ano pa ang gawin natin, hindi natin kayang sirain ang mundong ito. Wala tayong kakayahan na sirain ang mundo at kahit kailan hindi natin magagawang sirain ito. Sa mga abusong ginagawa natin, hindi ang mundo ang sinisira natin kundi ang ating mga sarili.

Sabi nga niya, "the world can survive without us" at sa tingin ko tama yun. Patuloy na mag-e-exist ang mundo kahit mawala pa tayo. Ilang bilyong taon na ang edad ng planetang ito. Ilang milyong taon pa lang tayo.
=========================================
Umuulan na naman dito sa Dumaguete. bakit ba lagi na lang umuulan sa tuwing may plano akong maglaba?
========================================


0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates