Sunday, May 31, 2009

eleksiyon na naman

gumugulo na naman ang mundo. Or at least ang Pilipinas.
Away dito. Away doon. Labasan ng mga baho. Turuan.
Hay naku. Kung ang goal talaga ng mga taong ito ay magsilbi sa bayan bakit kailangan pang mag-away? Bakit kailangan pang magbangayan?

Sa tingin ko, hindi mo kailangang pumasok sa politika para makapagsilbi sa bayan. Maraming paraan para makapagsilbi sa bayan kung yun lang naman talaga ang gusto mo. Hindi mo nga rin kailangan na maging mayaman eh.

Ayokong tawaging Public Servant ang mga politiko dahil hindi naman talaga public service ang reason kung bakit gusto nilang maupo sa pwesto. Obserbahan mo lang yang mga yan obvious na na power lang ang gusto nila.

Kung tumulong man sila puro pang publicity lang. Plastikan. Papicture-picture kaagad. Pavideo-video kaagad. Siyempre dagdag pogi points din yun noh. Mahilig mangako tapos pag nasa pwesto na wala namang ginagawa. Kung umasta akala mo kung sino, hindi man lang iniisip na nasa pwesto sila dahil sa mga tao. Public servants po kayo, remember?

Sana naman may isang tatakbo na ang nasa puso talaga ay ang pagsilbi sa bayan at hindi puro pakitang tao lang. Sana naman may isang tao na ang goal talaga ay tumulong hindi yung pangangampanya lang. Sana naman tigilan na nila ang pagbabangayan dahil ang dami ng problema ng bansa. Sana naman unahin muna nila ang kapakanan ng mga tao bago ang mga luho nila. Sana naman isipin muna nila ang mamamayan bago ang paninira sa mga kapwa nila politiko.

eleksiyon na naman. Gugulo na naman ang mundo.



0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates