Kapag ang isang pangako ay hindi natupad, hindi ibig sabihin nito na hindi pinahalagahan ng taong nangako ang kanyang pangako. Minsan may mga bagay lang talaga na mas madaling sabihin kaysa gawin.
Madalas napakadaling mangako ngunit napakahirap tumupad sa pangako. Minsan kahit gaano mo pa kagustong tuparin ang pangako mo sa isang tao hindi mo ito nagagawa dahil sa mga bagay na hindi mo naman kontrolado. Hindi rin naman maiiwasan ang mangako. Lahat naman ng tao nangangako at naniniwala sa pangako.
Pero minsan may mga pagkakataon na pwede lang namang tuparin ang isang pangako. May mga pagkakataon na tayo mismo ang dahilan kung bakit hindi natin natutupad ang mga pangako natin sa mga taong minahal na natin. May mga pagkakataon na sarili nating ugali ang nagiging sanhi ng pagkasira ng isang pangako.
Masakit maniwala sa mga pangakong hindi naman pala matutupad. Mas masakit kapag alam mong hindi gumawa ng paraan ang taong nangako na tuparin ang kanyang pangako. Mas masakit dahil naniwala ka lang sa wala.
Hindi lahat ng pangakong binibigay natin kaya nating tuparin kaya dapat lang ay maging maingat tayo sa pagbibigay nito.

0 blabblers:
Post a Comment