Wednesday, July 29, 2009

pamahiin

Title pa lang alam mo na kung tungkol saan 'to.
Filipinos, especially the older ones, are very superstitious. I don't know what the bases of these beliefs are but these has been a part of the Filipino culture. Minsan nakakatawa but minsan may point din naman.

Ikaw, naniniwala ka ba sa pamahiin?

*malas magwalis sa gabi. {wonder why?}
*wag matulog kung basa pa ang buhok dahil mabubulag ka {May bases ba to? Tingin ko sipon lang naman makukuha mo eh}
*bawal magsuklay ng buhok sa bahay ng namatayan. Kasama din nito ang bawal maligo, magluto ng certain kind of foods at manalamin.
*Ang araw ng martes at biyernes ay araw ng mga engkanto.
*pag nahulog ang tinidor may lalaking bisita na darating, pag kutsara naman ay babae. {kung ganito lang sana kadaling i-predict ang pagdating ng bisita!}

At meron pa...
Sa Pag-ibig:

* wag bigyan ng regalong panyo ang kasintahan dahil iiyak lamang ito. {mali yata}. A variation of this says, pagbinigyan ka ng panyo ng kasintahan mo bilang regalo, paiiyakin ka lang nito.

*{kung ikakasal}Hindi matutuloy ang kasal kapag isinuot ng babaeng ikakasal ang kanyang damit pangkasal bago ang araw ng kasal. {eh, pano kung hindi pala kasya?}

*Malas kapag nagpakasal ng magkasunod sa loob ng isang taon ang magkapatid. {remember "sukob"?}

*Kapag pinagligpitan ng mga plato ang isang dalaga habang siya ay kumakain sa mesa, siya ay mananatiling dalaga habang buhay. {ay ganun? di hindi na ako aasa. Sa bagal ko kasing kumain, laging akong nahuhuli sa mesa}

ATBP:

*Dapat na palitan ang pangalan ng isang sakiting bata. Ito ay upang lituhin ang mga espiritu na naghahatid ng sakit. {hindi naman kaya ang bata ang malito?}

*Kapag ikaw ay nanaginip na isa sa iyong mga ngipin ay binubunot, ito ay nangangahulugan na isang kasapi ng iyong pamilya ay mamamatay. {ako madalas nananginip nito...hala!}

*Kapag may nabahing o humatsing sa isang lamay, kurutin siya at baka siya ay sumama sa patay. {malas mo kung gaya ko meron kang allergic rhinitis. Lagi akong nakukurot tuwing may mga lamay dahil allergic ako sa bulaklak at sa baho ng formaline.}

*Ang kaluluwa raw ng isang tao ay bumabalik sa ikatlo, ika-lima, at ika-pitong araw matapos siyang mamatay. {ito kakatakot!}

*Kapag tatlong tao ang nagpapakuha ng larawan, ang taong nasa gitna ang siyang unang mamamatay.

*Ang isang taong maitim ang gilagid ay sinasabing seloso. {ang masasabi ko lang ay: ang taong maitim ang gilagid ay, YUCKY!}

*Ang mga taong natural na kulot ang buhok ay mahirap maintindihan ang takbo ng isip o di kaya ay laging mainitin ang ulo. {ah so? bakit ba pinag-iinitan niyo kaming mga kulot?...ang masasabi ko lang ay, walang gamot sa insecurity!}

*Ang babaeng nagsusuklay ng kanyang buhok na nakatalikod sa pintuan ay tanda ng pagiging taksil. {eh yung mirror namin sa room nakaharap sa pintuan, di pagnagsuklay kami nakatalikod talaga!...}

*Laging matulog na nakaharap sa silangan, kundi ikaw ay hindi magkakaroon ng magandang kinabukasan. {eh pano kung di mo alam kung nasaan ang silangan?}

At siyempre, marami pang mga paniniwala ang Pinoy na minsan ay halos hindi mo maintindihan. Kung saan nanggaling ang mga ito ay walang nakakaalam.

(More Pamahiin? Read here.)

1 blabblers:

Super Kaloy said...

.,.dami talagang pamahiin!
di ko na tuloy malaman kung anong totoo't hindi.,.haiz

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates