Monday, November 10, 2008

Bakbakan, Takutan at Tawanan

Ito ang mga gusto ko sa pelikula. Hindi ako mahilig sa love story dahil sa opinyon ko ang mga love story na nakikita sa pelikula at nababasa sa libro ay napakalayo sa tunay na buhay at isa pa hindi rin naman ako maka-relate. Mliban na lamang siguro sa iilang pelikula na talaga namang maganda ang istorya, gaya na lamang ng Lake House at Sassy Girl.

Mas gusto ko kasi yung mga istorya na pampamilya, pampagising at pampaligaya. Marami akong pelikula na napanood na kahit ilang beses kong ulitin ay hindi pa rin ako nagsasawang panoorin. Hayaan mong ishare ko sayo...

1. Saving Private Ryan. Ewan, basta gustong-gusto ko 'to. Una ko itong napanood ng elementary pa ako at simula nun ay ilang beses ko na yata itong pinanood.

2. E.T. sino ba naman ang hindi nagkagusto sa movie na ito? Ilang milyon ba ang pinaibig at pina-iyak nito? Alam ko isa ako sa milyon-milyong tao na naiyak dito.

3. We were soldiers. Ito ang tanging action movie na nagpa-iyak sa akin.

4. Lake House. Isa sa iilang romantic movies na nagustuhan ko talaga. Kakaiba ang plot ng istorya.

5. Pass it Forward. Ito magandang movie talaga. May aral at maganda talaga ang plot ng story. Pampamilya talaga.

6. Forrest Gump. Siyempre basta Tom Hanks ang movie, maganda talaga yun. Kung nakapanood ka na ng FOrrest Gump malalaman mo kong bakit masarap siyang ulit-ulitin. Masaya siya na nakaka-iyak na nakakatawa na nakakalungkot.

7. Addams Family. Kahit na anong series basta Addams family panonoorin ko talaga.

8. Harry Potter. Siyempre gaya ng milyon-milyong tao na nababaliw dito, hindi ko na mabilang kung ilang beses kong pinanood [at binasa] ang HP series.

9. The Patriot. Siyempre Mel Gibson. Siyempre dekalibre. Siyempre action. Siyempre panonoorin ko.

10. Short Circuit. Kwento ng isang robot. kakapagod na mag-explain. Isearch niyo na lang. MAsaya at maganda ito!

11. Tomb Raider. Gustong-gusto ko rin yung mga movie ni Angelina jolie kasi exciting lalo na itong Tomb Raider. Ibang klase kasi ang stunts.

basta marami pa sila...kakapagod na kasi magenumerate eh...di ko rin naman ma-explain kung nakit gustong-gusto ko panoorin ang mga yun...

kung mapapansin mo walang horror dito. YUn ay dahil kontento na akong panoorin ng isang beses ang isang horror movie at wala na akong planong ulit-ulitin pa ito...sino ba naman ang gustong matakot ng paulit-ulit noh?

0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates