Saturday, December 6, 2008

Para matapos na ang mga lecheng kuro-kuro!

PARA SA LAHAT NG NAG-A-ASSUME NA ISA AKONG TAONG BATO O BATO NA NAG KATAWANG TAO. WHATEVER!

Ang post na ito ay sagot sa makabagbag damdaming comment ni Maria Margarita Sawimpalad sa aking post na Dear Mr. Heartbreaker. Sana lang ay wala ng magtanong, wala ng mag-assume at wala ng magconclude ng kung anu-ano.

Mahigit isang taon na ang nakakaraan ay tinanong ako ni Chessa [a.k.a Virgin] ng parehong tanong. Unfortunately, hindi lumaganap sagot ko sa kanya kaya for posterity sake, ipopost ko na lang dito ang dakila kong sagot. Siguro naman ngayon ay hindi niyo na iisiping isa akong manhid na palaka.

Isa lamang akog prinsesang palaka na nagkatawang tao. Isang prinsesa na minsan ay inakalang natagpuan na niya ang treasure ni Yamashita. Joke. Yung prince niya siyempre.

Tawagin na lamang natin siya sa pangalang Theorem 2.2 [ang theorya ng pag-ibig...CHAR!!!]. Ang lecheng nilalang na sumira ng buhay ko. Suplado, antipatiko, manhid, makulit, madaldal, malabong kausap pero cute pa rin.

At dahil sa ka-lechehan ng gunggung na iyon ay natrauma ako. Tama. Sa kanya yata nanggaling ang trauma ko.

Bago pa kayo magform ng kung ano na namang conclusion ay gusto ko lang iklaro na HINDI KO PO SIYA NAGING BOYFRIEND. HINDING HINDI. at salamat naman dahil hindi. Naging 'almost but not quite' lang po kami.

Alam ko naman na karamihan sa mga reactionary kong friends ay nag aassume na ni minsan sa buhay ko ay hidi ako naging tao. Mga leche kayo! Minsan sa buhay ko nagpakatanga din ako. Minsan sa buhay ko nasaktan din ako. OO UMIYAK DIN AKO...ngayon, masaya na ba kayo?

Pero tapos na yun at wag na kayong umasa na mauulit pa yun...

hinahanap ko pa ang susunod na theorya ng aking puso...
naghahanap ako. Maniwala kayo. Naghahanap ako kaya manahimik kayong lahat.
Maghintay kayo kung kelan ko mahahnap ang bago kong teorya...
at kung ayaw niyo naman maghintay...
DI KAYO ANG MAGHANAP!

3 blabblers:

I am Bong said...

cge tiki... ako ang maghahanap... hmmmm.... naisip mo ang naisip ko?

paperdoll said...

ayos lang naman un neng. . walang masama. . ina sa lahat bata ka pa at hindi kailangan magmadali. . pero wag mo isasara ung pinto kasi mainit, hindi makapasok ung hangin. . hehe. . hindi co sinasabing bata ka pa dahil sa bata ka pa nga. . marami pang oras at marami ka pang ibang pwedeng pagtuonan ng pansin kesa sa bagay na yan. pag may dumating naman. . hayaan mo lang mangyare ang dapat mangayare sa tamang pagkakataon o sa tamang panahon. .ok ok ok? hayaan mo sila. . ang mahalaga alam mo ang ginagawa mo. .adioz

just.aian said...

@ Bong:
Ayaw na Kuya...murag gets na nako..ewwww!!!Sana naman yung hindi AB..

@ PD:
touching naman na comment yan...
sana mabasa yan ng mga tao dito at matauhan sila...

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates