At dahil mga lakwatsero at lakwatsera ang mga dakilang Power Rangers, nakarating na naman kami sa kung saang kabundukan ng Negros Oriental! At dahil wala namang ilog sa aming bundok ay nagpakasasa kami sa pagpapa-picture sa tabi ng ilog...
Sayang nga lang at nalow-bat ang camera kaya kaunti lamang ang
pictures namin doon. Sobrang ganda ng ilog at sarap sanang magswim doon kung meron nga lang kaming dalang mga damit. Mga lakwatsera kasi kaya nag-eskapo lang kami mula sa aming mga gawain sa Dumaguete. Pero ayun na rin sa usap-usapan at plano-plano ay babalik daw kami doon at maliligo sa ilog na sa sobrang lakas ng agos ay medyo nakakatakot din.

Siyempre take life lang din naman talaga kami sa mga lakwatsa namin dahil hindi magtatagal ay hindi na rin kami magkakasama. (*cry*cry*cry). Isang buwan na lang at magkakahiwalay na rin ang Power Rangers kaya grab every oppurtunity na magkasama ang drama.

At siyempre documented ang bawat lakad. Salamat naman sa Kodak EasyShare C513 at SonyEricson (don't know the model) para sa aming mga pictures. Go sa pose at project ang drama. Bahala na kahit hirap na hirap na basta pwedeng magpose, go!

At balik tayo sa Tabing Ilog adventure. Hindi naman talaga ganun ka adventure dahil wala naman talaga kaming ginawa maliban sa magpose at magpose doon sa tabi ng ilog at pumatong sa mga malalaking bato na nandun. Pero siyempre dahil new place and new environment, adventure pa rin na matatawag yun!

Siguardong mamimiss namin ang mga lakad na ito pagdating ng araw na magkakahiwalay na kami. Pero gaya ng mga bato na nanatili sa ilog despite sa lakas ng agos na humahampas dito, mananatili din kaming malakas at handang humarap sa mga hamon ng buhay. Gaya ng ilog na patuloy na umaagos, mananatili ang pagkakaibigan na pinalakas na ng panahon.
Hindi dito sa ilog nagtatapos ang adventures ng Power rangers. Marami pa ang darating. Limitado man ang oras at maikli man ang panahon, sasagarin namin ito.
Kami ang Power Rangers, mananatiling matatag anu man ang hamon ng buhay.
4 blabblers:
wow! powder...este power rangers....eheks.... pero ganda nga ng ilog...sakto jan ang isang maganda themesong ni Barbie...
sa ilog ang mundo'y tahimik...
weeepeeee!... :)
wow.. goodluck sa power rangers!
bakit nman kayo maghihiwalay?
mag-aasawa na kayo?
hehehe
gusto ko yung mga huling Linya mo..makabagbag damdamin..
@Super G!
hehehe...
kokak..este korak...Super G!
tahimik ang buhay dun sa may ilog...wag lang umulan ng malakas!hehehe
@kosa
Gagraduate na kasi kami eh kaya magkakahiwalay na kami...
gagradweyt lang pala eh..
ayus na ayus pa rin yan!
masmagulo.. masmatindi..
masmahirap pero MASMASAYA ang nakaabang sa inyo..
kayan nyo yan!
hindi naman kailangan ng togetherness ang pagkakaibigan eh.. sa puso at sa isip kayu pa rin!
pasalamat nga kayo kase sa bawat araw na magkakasama kayo, amdami kayong naipon na alaalang masasaya at mgaleksyon na di nyo matututunan sa kung saan saan lang..
sige sige.. sensya na napasarap ako sa epal.. ang haba na nito..
pero totoo yung sinabi ko... hindi man kayo magkakasama habang buhay, manananatili naman silang bahagi ng iyung pagkatao kase madami kayong mga bagay na naabot, pinagdaanan at nalampasan na magkakasama...
ayus na ayus pa rin!
walang katalo talo
kitakits
Post a Comment