Hahahaha.
Sa tuwing maglalaba ako (na once in a blue moon lang din nangyayari), laging sumasagi sa isip ko ang mga katagang ito:
"Paano na lang ang buhay kung walang Downy Isang Banlaw?"
Talagang dapat ipagpatayo ng monument ang kung sino man na naka-imbento ng downy isang banlaw. Ba, isipin mo na lang kung wala ito, eh di sana wala pa ako sa harap ng computer na ito ngayon. O malamang ay hanggang ngayon hindi pa rin nalalabhan ang mga damit ko.
Medyo Mt. Everest na rin ang lalabhan ko kaya naisip kong bumangon mula sa aking masarap na pagkakatulog at maglaba kanina. Madalas ay nagpapalaba lang ako sa laundry shop pero dahil tamad din akong maghatid ng mga damit ko at nasasayangan din ako sa pera (dahil parang hindi naman talaga lumilinis ang damit ko) naisip kong ako na lang ang maglalaba tutal nakahilata lang naman ako sa kama buong araw.
At ayun na nga...
natapos din siya...in less than an hour! hahahaha!
The best talaga ang tandem ng powdered soap at downy isang banlaw!
The wonders of technology...
hakhakhak!

2 blabblers:
hahaha!!! isa rin akong avid fan ng downy isang banlaw... da best!!
me too! once in a blue moon rin! kung minsan mga panyo lang. hehe
Post a Comment