Saturday, March 7, 2009

chronic migraine?

Hindi na yata tumitigil ang sakit ng ulo ko. Hindi na rin tumitigil ang insomnia ko. At lalong hindi na nawawala ang sakit ng likod ko.

Diyos ko, kung gusto niyo na akong kunin pwede kunin niyo na lang ako agad at wag niyo na akong pahirapan pa?

Buti last night nagtake ako ng antihistamine for my Allergic Rhinitis kaya nakatulog ako kahit papano. Pero paggising ko parang ganun pa rin. Sakit pa rin ng ulo ko at ng likod ko.

Ano na bang nangyayari sa akin?
Wala na akong time (at plano) magpa-check up dahil sobrang dami ng dapat kong gawin. Sumasakit din ang dibdib ko at lagi akong nagkakaheart-burn. Akala ko nga nung isang gabi inaatake ako sa puso dahil sa sobrang sakit ng tiyan ko (tama ba yun? sa tingin ko hindi basta sa tiyan) na parang may hyperacidity ako at nagnu-numb yung mga braso ko hanggang kamay. Tapos pag humiga ako ay hirap naman akong huminga at pagnakatulog ako ay nagkaka-sleep paralysis ako.

Hanggang ba naman sa pagtulog ko hindi ako makapagpahinga sa mga sakit na 'to?




5 blabblers:

cyndirellaz said...

naku mahirap na yan ah, mag pahinga ka na kaya no? take ur medicine! get well soon! ^^

Anonymous said...

Drink GOJI Juice. MArami na akong narinig na napagaling nun. Hindi ko pa sya na-try pero may mga kakilala ako na bumuti ang lagay after they consume. I suggest i google mo just to find out. But no approved therapeutic claim. Hindi ako doctor o faith healer. Suggestion ko lang po iyan.

But the BEST thing you can do is PRAY. Prayers can heal the world.

Believe, believe, believe.

BE HAPPY!

Mike Avenue PINOY BLOG

Kosa said...

nakulam ka siguro parekoy..
patingin ka sa babaylan.. o di kaya sa albularyo..hehehe joke!

oras na nga siguro para magpatingin ka sa espesyalista.. Hindi biro yan.. I hope oks ka lang..

kitakits

Anonymous said...

sana okay na ang pakiramam mo :)

just.aian said...

Mga kumpare at kumare salamat naman sa inyong pagbisita sa aking munting tahanan...
=)
@ Cyndi
Yeah, I'm taking my meds actually and I haven't stayed overnight for days na rin...

@Mike Avenue
Salamat pareng Mike, I'll try googling that one...malay natin di ba?

@Kosa
Wag naman Pare! Kukulamin ang mangkukulam din?hahahaha...karma lang to pare!

@batopik
Hello po...bago po yata kayo sa kaharian ko...salamat po sa pagbisita!

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates