Tuesday, March 3, 2009

Dahil Ayokong Ipost ang Profile ko...

Sino nga ba ang Prinsesang Palaka?
Wala. Palaka lang siya.
Isang Prinsesa na nangarap maging Palaka.
Isang Palaka na isinumpang maging tao.

Pangalan: Prinsesa
Edad: Depende kung sino ang tatanungin mo

Ipinanganak sa kabundukan ng Negros Occidental (hindi naman actually bundok pero mas feel ko ang drama ng bundok) noong kasagsagan ng pangangampanya ni Gen. Jarque laban sa mga NPA sa Negros.

Ipinanganak na Ilongga. Nakipagsapalaran sa lupain ng mga bisaya (just beyond the mountains lang po). Gustong matuto ng iba't-ibang dialekto ng Pilipinas.

Journalism student. Editor ng isang Student Publication sa isang State University. Manunulat daw. Full time student. Part-time lakwatsera.

Sabi ng iba, baliw daw ako. Keber!
Sabi ng iba, lokaret daw ako. Echus!
Sabi ng iba, wala daw ako sa sarili. So?
Sabi ng iba, isip bata daw ako. Akala niyo lang yun!

Isa akong endangered species dahil nag-iisa lang ako sa mundo. Halug-hugin mo man ang mundo wala ka ng makikitang isa pang Prinsesang Palaka sa mundo. May mga paniniwala ako na hindi tanggap ng iba. May mga paniniwala ako na "radical" sa paningin ng iba.

Ako ang prinsesang laging napagkakamalang aktibista kahit hindi naman. Ako ang Palaka na laging napagbibintangang NPA, kahit hindi ko naman pinangarap yun. Ang dalaga na laging tinatratong bata. Ang bata na laging ini-expect na gawin ang gawain ng matatanda.

Pangarap ko maging anghel. Pangarap kong kainin ang lahat ng chocolate sa mundo. Pangarap ko ang makatapos. Pangarap ko ang makatulong sa kapwa ko. Pangarap ko maging mayaman. Pero higit sa lahat, pangarap ko ang maging... hay...ayoko nang sabihin dahil wala din namang makaka-intindi.

Madalas kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko alam kung ano ang gusto ko kahit ang totoo alam na alam ko. Ayoko na lang sabihin dahil imposible din naman.

Nagbo-blog ako dahil wala akong magawa sa buhay. Nagbo-blog ako dahil tamad akong magsulat sa diary ko. Nagbo-blog ako dahil feeling ko mas malaya ako dito. Nagbo-blog ako dahil... hindi ko alam. Basta gusto kong magblog!

Isa lamang akong Palaka na patuloy na nangangarap. Isa lamang akong palaka na masaya sa aking munting kaharian kahit pa ilang beses itong daanan ng bagyo.

Ako si Aian.
Prinsesang Palaka.











1 blabblers:

optimistic dora said...

wow, may "echus", "keber" na d i kah rong terms yan hah.. don't tell me baklushi! hehehe...

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates