Kung meron man akong pinaka-malaking pagkakamali sa buhay ko, yun ay ang magtiwala.
Tama, ang pagtitiwala sa mga tao sa paligid ko ang pinakamasakit at pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko. Ito rin siguro ang pinakamaganda. Ito ang lahat. Nandahil dito ay maraming nangyari sa buhay ko. Nasaktan ako, nahirapan, natuwa, nagtagumpay, lumuha at tumawa.
Hindi ako madaling magtiwala sa mga tao. Siguro ay dahil na rin wala pa akong taong nakilala na nakakaintindi ng salitang sekreto. Sinubukan kong magtiwala pero nabigo din naman ako. Sa tingin ko kasi ang pagkakaintindi ng mga tao sa salitang sekreto ay kagaya din ng pagkaka-intindi nila sa salitang announcement.
Mahirap magtiwala lalo na kung lagi ka namang nasasaktan ng dahil dito. Napakaraming bagay na gusto ko ishare pero hindi ko magawa dahil sa napakaraming pagkakataon na sinubukan ko ang mga tao sa paligid ko, walang niisa man sa kanila ang nakapasa sa pagsubok. Lahat sila binigo ako.
Ang alam ko kasi pag sinabihan kita ng isang sekreto o ng isang bagay na mahalaga sa akin, hindi mo dapat ipagsabi yun lalo na kung hindi ko alam. Kasi naman, kung gusto kong malaman yun ng iba, ako mismo ang magsasabi sa kanila. Pero meron bang nakakaintindi nito? Malamang wala. Kasi naman the moment na sinabi mo sa kanila, ayun go agad sila sa sharing at go agad sa react... so paano ako magtitiwala?
Mahalaga sa akin ang pagtitiwala. I think ang measurement ng isang totoong kaibigan ay hindi lang yung willingness niya na tumayo sa tabi hanggang magunaw ang mundo. Mahalaga din na ang isang kaibigan ay mapagkakatiwalaan.
Sino nga ba sa mundong ito ang mapagkakatiwalaan ko? Meron pa kaya? May tao pa kaya sa mundo na nakakaintindi ng salitang 'tiwala'? may essence pa kaya ang salitang 'sekreto'?
Kaya sa tingin ko, mas mabuti pa kung sarili mo na lang ang pagkatiwalaan mo. Ishare mo yung mga bagay na hindi gaanong importante sayo, yung bagay na hindi mahalaga kahit malaman ng mundo pero wag yung mga bagay na pinka importante sayo. Masasaktan ka lang pag nagtiwala ka ng lubusan. Mas mabuti pang manahimik ka na lang. Itago mo na lang sa sarili mo kung ano man yung mahalaga sayo.
Minsan na akong nagkamali. Hindi na yun mauulit pa dahil hindi na ako magtitiwala, gaya ng pagtitiwala na minsan ko ring ibinigay. Tapos na ang mga araw na yun.

2 blabblers:
alam mo may ganyan ding nangyari sa buhay co. . ung kaisaisang taong pinagsabihan co ng lahat at tinuring cong kapatid. . un ang tumuka sakin habang nakatalikod aco. .
ang sabi na ermatz co sakin,
hindi lahat ng sikreto sinasabi o ipanagkakatiwala, dapat magtira ka sa sarili mo. wala kang dapat pagkatiwalaan ng buongbuo.
pero hindi pa rin aco nadala. . ampf!
ang hirap talga maghanap ng mapagkakatiwalaan. apir!
tama yan paperdoll!
apir!
mahirap talaga maghanap ng mapagkakatiwalaan...
Post a Comment