Wednesday, November 12, 2008

Unspeakable

Mga salitang hindi ko masabi kaya basahin mo na lang.

"I love you". Iisang tao lang ang nasabihan ko nito na sincere na sincere talaga at alam kong kahit kailan ay hindi talaga magbabago; ang kuya ko. Hindi ko na maalala kung may kaibigan ba ako na nasabihan ko nito. Kahit yata yung pinaka-close sa akin ay hindi nakakatanggap ng mga katagang to mula sa akin.

Feeling ko kasi ang hirap sabihin nito. Laging naman kasing conflicting ang nararamdaman ko sa mga tao sa paligid ko. Ayokong sabihin sa kanila na mahal ko sila tapos maya-maya ay pinagpapalanuhan ko na kung paano ko sila papatayin o kung ano ang pinaka magandang uri ng torture ang babagay sa kanila. Pakiramdam ko kasi parang ipokrita ako kung sasabihin kong mahal ko sila tapos sasaktan ko rin lang naman.

"I care". Marami ang nagsasabi na manhid ako pero ang hindi nila alam mas malaki ang paga-alala ko sa kanila kaysa nakikita nila. Hindi lang nila alam kung gaano ako naiinis pagsinasaktan sila ng iba, kung gaano ako nasasaktan pagnilalait sila ng iba. Ako ang klase ng tao na hindi naman talaga masyadong verbal sa nararamdaman ko. Hindi rin ako ang klase ng tao na magaling mag-advise. Ayokong mag-advise advise dahil kadalasan ay hindi ko naman alam ang sasabihin kaya mas pinipili kong manahimik at umupo na lang sa tabi nila.

Minsan din hindi ako nagrereact dahil alam ko na pag nagreact ako ay maaring mapasama lang or baka ma-misinterpret lang. Di ako pa naging kontrabida? sabihin pa epal ako... besides naniniwala ako na hindi naman nila kailangan ng advise eh. Kung kailangan nila di hihingi sila. Ayoko naman ibigay yung hindi naman nila kailangan at the moment. Besides, hindi din naman susundin ang advise mo di ba? So, why bother?

Ako kasi pag may problema ako or just something bothering me, ayoko na kinukulit-kulit ako. kaya ayoko rin mangulit sa kanila. If you want to tell me, I'm here to listen. If you want my advise, I'll give what I can. Hindi ko ibibigay ang hindi mo naman hinihingi sa akin. Sayang ang effort noh.

"I'm hurt". Para sa akin, ang pagpapakita ng kahinaan ay ang pag-amin na isa kang talunan. Nasasaktan din naman ako, mas madalas nga kaysa ini-expect ng iba. Ayoko lang ipakita gaya ng iba dahil hindi naman kailangan. Marami na ang emoticon sa mundo, ayoko nang dumagdag pa.

Hanggat kaya kong itago, itatago ko. Hanggat kaya kong umiyak sa dilim, gagawin ko. Kasi iniisip ko, pag umiyak ako sa harap ng lahat, pag ipinakita ko na nasasaktan ako wala din namang mangyayari.

Sensitive ako sa mga emotion ng tao sa paligid ko. Madali akong maka-pick up ng moods nila at present na nararamdaman. Kadalasan ay hindi ko ito pinapansin at ipinagpipilitan kung ano ang nararamdaman ko kaya kadalasan ay sinasabi nilang insensitvie ako.

Madali akong masaktan pero hindi ibig sabihin nun na malalaman kaagad ng mundo ang nararamdaman ko. Saka na, pagsobra na.

Hindi naman ako emosyonal na klase ng tao. Kahit ako nagugulat sa kakayahan kong i-control ang emotion ko. Minsan kahit halos sumabog na ang dibdib ko sa sakit hindi ako umiiyak. Alam ko na hanggat kaya kong ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay, hindi kailangang makita ng mga tao sa paligid ko kung ano talaga ang nasa loob ko.

"Tao lang ako". Alam kong alam nila. Pero hindi ko alam kung naiintindihan nila. Tao lang ako, subject to the limitations of my kind. May nagagawa akong mali at pinipilit kung baguhin. May nagagawa akong minsan ay hindi ko naman gusto. Limitado lang ang mga bagay na alam ko. Limitado ang pasensya ko. Limitado ang kakayahan ko. Pilit ko mang gawin, hindi kayang gawin ang lahat ng ini-expect ng lahat na gawin ko. Sori na ha...

"Pagod na ako". At hindi lang yun sa physical. Kaya ko ang pisikal na pagod. Ano lang naman yun? Kaunting pahinga lang wala na yun. Pero merong isang klase ng pagid na kahit isang taon akong matulog ay hindi mawawala. At yun ang isang klase ng pagod na hindi nila maintindihan.



2 blabblers:

paperdoll said...

i love you. . . matamis ang dila co. . kahit kanino kaya co sabihin yan. . at bilib aco sayo sa respeto mo sa salitang yan. .

i care. . . moody din aco pero pareho tayo dito. . mas madalas nga lang hindi nakikita ng iba. .

im hurt. . ang sarap isigaw nito. . syet! hehe

tao lang aco. . oo nga. . aco tao na nga lang tanga pa. . lol. . walang perpekto. . sila kaya pagawin mo ng pinapagawa nila. .

pagod na aco. . tingi co lahat tayo pagod na. . pagod na pero tuloytuloy pa rin. . ang sipag natin no?

naiiyak aco sa post na toh. . very you! tama ba? ikaw na ikaw ang ibig co sabihin. . hehe

just.aian said...

tama paperdoll...ang sipag natin...kahit pagod na go pa rin...[lalo na sa blogging]

salamat namans a pagdaan dito at pagpansin sa post na to...

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates